00:00Inilunsad ngayong araw ang mas pinalawak na school-based feeding program at milk feeding activity ng gobyerno.
00:05Sa Pulilan Central School, pinangunahan ni Pangulong Bongbong Marcos ang kick-off niyan.
00:10Isinagawa rin niyan sa mga paaralan sa bawat rehyon.
00:13May ulat on the spot si Bea Pinla.
00:16Bea!
00:20Rafi, nandito tayo ngayon sa Pulilan Central School sa Bulacan kung saan tama ka.
00:24Inilunsad yung mas pinalawak na school-based feeding program at milk feeding activity ng gobyerno.
00:32Dinaluhan nito ni Pangulong Bongbong Marcos, Education Secretary Sunny Angara at Agriculture Secretary Francisco Chulaurel.
00:39Pinagtibay rito ang ugnayan ng DA at DepEd sa pagsulong ng magandang kalusugan sa mga paaralan.
00:45Ayon sa DepEd, ito ang kauna-unahang pagkakataon na lahat ng mag-aaral ng kindergarten at grade 1 ay makakabilang
00:52sa programa.
00:52At sa buong school year daw ito gagawin o 180 days minimum.
00:57Grade 2 to grade 6, malnourished at undernourished pa rin ang mga mag-aaral na papakainin.
01:03Sabi ng DA, nasa 113 dairy farmer cooperatives ang matutulungan ng expanded program.
01:10Narito ang pahayag ng Pangulo.
01:16Dati namimili tayo kung sino ang bibigyan.
01:21Dahil namimili tayo kung sino yung mga undernourished, sino yung mga kulang ang pagkain sa bahay.
01:26Ngunit ngayon ay ginawa namin para mas madali ay lahat na lang nang kumapasok ay papakainin namin.
01:33Kaya para tiyak na tiyak na lahat ng ating mga kabataan ay handa na mag-aaral, handa na pumasok,
01:41ang makapag-aaral na mabuti at hindi inaalala ang kanilang kakainin.
01:50Matapos naman ipasa ang 85 peso wage hike sa NCR.
01:54Ayon sa pung Pangulo, inaaral pa ng mga regional tripartite board ang kanikanilang wage hike proposal.
02:00Yan ang latest mula rito sa Bulacan. Balik sa'yo, Rafi.
02:03Maraming salamat, Bea Pinlak.
Comments