00:00Itinanggi ng defense team ni Vice President Sara Duterte na nag-walk out sa impeachment trial
00:06si Lead Council Attorney Sheila Sison, gaya ng akala ng prosekusyon.
00:12Nakatutok si Ian Cruz. Ian?
00:18Mel, pinaghahanda nga ng defense team ni Vice President Sara Duterte
00:22ang gagawin nilang cross-examination bukas sa kauna-unahang testigo ng prosekusyon.
00:30At sa dulong bahaging nga ng pagkatanong ng prosekusyon, sa kanilang testigo kanina,
00:35natigilan si Council for the Prosecutors, Attorney Virgil Ligutan,
00:38nagkomento na tila nag-walk out sa pagdinig si Lead Defense Council Attorney Sheila Sison.
00:43Pero bumalik rin naman ito sa session hall.
00:45Paliwanag ni Defense Team Spokesman Attorney Michael Poa,
00:49hindi nag-walk out ang Lead Council ni Vice President Sara Duterte, papunta lamang daw ito sa ladies' room.
00:55Ukol naman sa nais ng prosekusyon na gawing key witness si VP Sara Duterte mismo.
00:59Sabi ni Poa, magkokomento sila kapag may formal na ang mosyon.
01:03Narito ang ilan sa mga pahayar.
01:23Tapos nung nasabing nag-walk out siya, narinig yata niya, so bumalik siya.
01:28Sinabi niya na, no, I'm still here and I just need to go to the toilet.
01:31I think it's premature right now.
01:33Narinig naman natin yung mga pahayag.
01:34Narinig din naman natin, that's very clear under the Constitution,
01:38yung right against self-incrimination,
01:40na pag yung respondent mismo o yung akusado mismo,
01:43eh hindi pwedeng mag-compel na mag-testify against himself or herself.
01:48That's very clear under the Constitution.
01:54Mel, may mga abugado na kinwesyon sa Korte Suprema
01:57ang pagiging presiding officer ni Sen. Cheese Escudero.
02:01Ayon kay Atty. Michael Poa,
02:03hindi pa nila napag-uusapan sa panig ng depensa ang ukol dyan,
02:07pero sa nakalipas sa dalawang araw,
02:08ay naging maayos sa mandawang takbo ng impeachment trial
02:11sa pangunguna ni Escudero.
02:13Balik sa iyo, Mel.
02:14Maraming salamat sa iyo, Ian Cruz.
Comments