00:00Naaresto na rin ang isa pang kapwa-akusado ni Sen. Rodante Marcoleta sa kasong plunder na si Aristotel Viray.
00:09Nakakulong na siya ngayon sa New Quezon City Jail at nakatutok si Maki Pulido.
00:17Bago mag-alas 7 ng gabi-kagabi, inaresto ang negosyanteng si Aristotel Viray,
00:22isa sa tatlong kapwa-akusado ni Sen. Rodante Marcoleta sa kasong plunder.
00:26Dinakip siya ng Criminal Investigation and Detection Group sa isang gasulinahan sa Boni Serrano Avenue, Quezon City.
00:33Isa si Viray sa mga pribadong individual na ayon kay Marcoleta ay nagbigay sa kanya ng 20 million pesos,
00:40nabahagi ng 75 million pesos na hindi idineklara ni Marcoleta bilang campaign contribution.
00:46Ang depensa ng Senador sa COMELEC, hindi pa campaign period nang matanggap niya ito noong January 2025,
00:53kaya di pa siya may tuturing na kandidato.
00:55Pero sabi ng Ombudsman, maliban sa hindi ito idineklara ni Marcoleta sa kanyang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth
01:02o SALEN,
01:03masyado itong malaking halaga para maging simpleng regalo lang sa isang nakaupong kongresista.
01:09Matapos maaresto, ay dinala si Viray sa Camp Crame para sa booking procedure at medical check-up.
01:15Sa PNP General Hospital, nagpalipas ng gabi si Viray na sa mataas na blood pressure.
01:20Pero dahil binigyan na ng clearance ng mga doktor kaninang umaga,
01:24dinala na siya ng mga pulis sa Sandigan Bayan para sa return of warrant.
01:28Bago magtanghali, inisyo na ng Sandigan Bayan 3rd Division ang commitment order,
01:32kung saan iniutos ng korte na ikulong si Viray sa BJMP Quezon City Male Dormitory sa Payatas.
01:39Makakasama ni Viray roon ang ibang akusadong sinadating Congressman Mike Defensor
01:43at negosyanteng si Joseph Espiritu.
01:46Mackie Pulido na Katutok, 24 Horas.
Comments