00:00.
00:03Makasaysayan ng July 6, 2026.
00:06Dahil sa unang pagkakataon sa kasaysayan ng bansa,
00:10isang vice-presidente ang sasalang sa impeachment trial.
00:13Bukas na pala yun.
00:16Hindi ko kasi alam na bukas na pala.
00:19Pero curious din kayo.
00:21Isa rin ito sa mga malalaking pangyayari dito sa buong Pilipinas
00:25wherein we should be aware of.
00:29Si Rolando nung isang taon pa nakatutok
00:32sa isyo ng pagpapa-impeach kay vice-president Sara Duterte.
00:36Gusto kong malaman din yung sino yung nagsasabi ng totoo.
00:41O yung kabila o kabila.
00:43At para sa ilang nakausap namin,
00:45may isang tanong silang nais nilang masagot sa paglilitis.
00:49Sino nga ba si Mary Grace Piatos?
00:51Ano talaga yung ginawa niya sa government?
00:55Bakit nandun yung name niya?
00:56Sa Okta Research Survey nung Abril,
00:58lumalabas na 7 sa 10 Pilipino
01:01ang naniniwalang dapat humarap sa impeachment trial ang vice
01:04para sagutin ang mga aligasyon.
01:07Sana ay matuloy na at sana mabigyan na talaga ng
01:11kaliwanagan kung ano ba talaga yung
01:14katotohanan sa mga pinaparatang sa ating vice-presidente.
01:18Sana masagot din yung mga katanungan ng ating bayan.
01:21Doon nga po mabubuksan yung mga baul na tinatago
01:25kung saan nga po ba talaga napunta ang funds,
01:27kung paano siya ginasos.
01:29And makikilala natin yung mga personalidad
01:31na binabanggit ni VP Sara.
01:33Pero sa ngayon, wala pang kumpirmasyon kung dadalo si Duterte.
01:38Ayon kay political science professor Jean Encinas Franco,
01:42mahalagang bantayan ang taong bayan
01:44ang bawat kabanata ng impeachment trial.
01:47Kaya nga may impeachment trial para malaman ng publiko,
01:52para maramdaman ng publiko
01:54na ang isang napaka-powerful na tao e kayang litisin.
01:59Pero nakatitiyak si Franco
02:00na hindi magiging madali ang pag-usad nito.
02:03Walang hamon unang-una, merong mga senador na nakatakdang arestuhin.
02:10So, magdudulot ito ng gulo na naman.
02:14Lahat ng hindi gustong ituloy yung trial,
02:18gagawin ng paraan para i-delay, para manggulo.
02:23Isa niya sa dapat abangan
02:25ay kung kakailanganin bang magmosyon
02:27para bawasan ang bilang ng boto
02:29para makonvict ang bise.
02:31Sa saligang batas kasi,
02:33nakasaad na kailangan ng two-thirds ng boto
02:35ng lahat ng miyembro ng Senado.
02:37Isa yun sa maaaring magdulot ng gulo din.
02:40Mahahati rin ng Senado,
02:42mahahati rin ng taong bayan dyan.
02:44Dapat ding abangan ang paglalatag ng prosekusyon at depensa
02:47ng kanika nilang mga saksi at ebidensya.
02:51Mahirap talaga ma-predict
02:53pero hindi natin alam
02:55kung paano magsisway yung public opinion.
02:57So yun ang kailangan natin bantayan.
02:59Bea Pinlak, nakatutok 24 oras.
Comments