Skip to playerSkip to main content
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Lumakas pa po bilang super typhoon ang bagyong may international name na Bavi
00:04na nasa labas pa rin ng Philippine Area of Responsibility.
00:07Uli itong namataan, o ang sentro nito namataan, 3,090 kilometers silangan ng Eastern Visayas.
00:15At sa pag-asa, posibleng pumasok nito ng PAR sa Merkoles at sa kahit ito tatawag yung bagyong indahin.
00:20Sa ngayon, kumikilos ito pa kanluran pero posibleng pang umangat ito ng bahagya sa mga susunod na araw.
00:25At sa forecast ng pag-asa, posibleng tumbukin ng bagyo ang hilagang bahagi ng Luzon.
00:31Sa ngayon, pansamantalang nawala ang efekto ng habagat pero naka-a-apekto pa rin ang Easterlies sa silangang bahagi ng
00:38Central at Southern Luzon pati na sa Visayas.
00:41May localized thunderstorms din sa iba pang bahagi ng bansa.
00:45Sa forecast ng Metro Weather, may chance na na ulan bukas ng hapon sa ilang bahagi ng bansa,
00:49kabila na ang Ilocos Region, Central Luzon, Calabar Zone, Mimaropa at Bicol Region.
00:55May mga pag-ulan din sa Visayas at Mindanao.
00:58Asahan po ang malalakas na ulan sa Leyte Provinces, Negros Island Region at Soxarge.
01:04Halos ganito rin ang panahon inaasahan sa linggo.
01:08May malalakas na ulan na rin sa Mindoro Provinces, Western Visayas, Northern Mindanao, Zambuaga Peninsula at Caraga.
01:16Sa Metro Manila naman, hapon inaasahang mararanasan ng ulan bukas.
01:20At sa hapon din ang chance ng ulan sa linggo.
01:27Bistado ang tatlong umano'y fixer sa dalawang sangay ng Land Transportation Office o LTO.
01:33Saksi si June Veneracion.
01:40Walong daang piso lang ang tamang singil sa pagproseso ng student permit sa LTO Manila West District Office sa Maynila.
01:46Pero ang dalawang fixer o manong na hinuli sa Entraped Operation, naniningil ng P3,500 pesos.
01:53Sa hiwalay na operasyon, huli rin ang isa pang hinihinalang fixer sa LTO Diliman, Quezon City.
01:58Dahil sa mabilisang pagproseso o manong driver's license, sa halagang P7,500.
02:04Ganong P1,600 lang talaga ang tamang bayad.
02:07Further investigation revealed that one of the arrested suspects admitted this in contact with LTO employee for the facilitation and
02:18processing of transactions in exchange of exorbitant fees.
02:23Sabi ng PNP-CIDG, alam na nila ang pangalan ng kasabot umano'ng empleyado ng LTO.
02:29Iniimbestigahan na siya ngayon para siya naman daw ang sumunod na maaresto.
02:33Nakakulong ngayon sa CIDG ang tatlong arestadong sospek.
02:37Sabi nila na set up lang umano'ng sila.
02:39Pero hindi naman nila itinanggi na tumutulong sila sa mga gustong kumuha ng lisensya.
02:44At saka wala na po akong ibang ano.
02:47Pagka-kita ang sir.
02:50Kaya na-100 na ako lang.
02:51Ang kano po ba porsyento mo doon?
02:55Mga 1K lang ito eh.
02:57Wala nangyari nga po eh.
02:59Nandito na ako eh.
03:00Ayon kay LTO Chief Marcos Lacanilaw,
03:04pananagutin din ang mga herpes ng dalawang opisina kung saan nahuli ang mga fixer.
03:08Itong dalawang to, ganyan pa rin ang nangyayari.
03:11Command responsibility nila yan, area nila yan.
03:14So i-re-release po sila today.
03:16Ako si June Van Arasyon, ang inyo, Saksi.
03:26Naipadala na po kay Vice President Sara Duterte ang notice para sa pagsisimula ng impeachment trial sa lunes.
03:32Ayon sa prosekusyon, handa na ang testigong ihaharap nila sa unang araw, ang paglilitis.
03:37Saksi, si Sandra Aguinaldo.
03:43Para sa pagsisimula ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa lunes,
03:49ipinadala ng impeachment court sa vice ang notice na ito napirmado ni Senate President at Presiding Officer Sherwin Gatchelian.
03:57Ipinagbibigay alam sa kanya na ang kanyang paglilitis ay magsisimula sa July 6 ng alas 2 ng hapon.
04:04Sinasabihan din si Duterte na humarap sa korte pero pwede rin magpadala na lang siya ng abugado.
04:11Nagpadala din ng notice ang impeachment court sa House of Representatives
04:15para formal na ipaalam na handa na ang Senado sa impeachment trial.
04:20Nakahanda na rin ang session hall ng Senado kung saan gagawin ang paglilitis.
04:25Narito po ako ngayon sa session hall ng Senado at kung ninyo po makikita ay iba na po yung layout
04:31dito.
04:32Yung mga upuan ng Senador, imbis na nakaharap po doon sa watawat ng Pilipinas,
04:37ay nakaharap na po dito sa gawing likuran.
04:40At narito naman po yung upuan ng witness na may puting upuan.
04:44At meron pong mga upuan sa gawing kaliwa at kanan para naman po yan sa depensa at prosecution.
04:51Ayot po sa Senado ay handa na sila para sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
04:59Nagpulong din ang mga Senador na uupo bilang Senator Judges.
05:03Walang majority Senators ang dumating.
05:06Galawa naman mula sa minoriya.
05:08Sina Senador Robin Padilla at Senadora Loren Legarda.
05:12Matapos ang meeting, hindi na nagpaunlak ng panayamang karamihan.
05:16Matipid naman ang sagot ni Senador Erwin Tulfo.
05:29Sa pagdarausan ng paglilitis, naglatag na ang mga miyembro ng media
05:34ng kanila mga gagamitin sa paghahatid ng balita sa lunes.
05:38Nagikot din ang ilang opisyal ng PNP Police Security and Protection Group
05:42sa loob ng gusali para makita ang paghahanda sa seguridad.
05:46Nagdagdag din ang polis na magbabantay sa Senado.
05:50We're all prepared for making sure that the proceedings will be approved.
05:56Ayon sa prosecution, handa na ang testigong iaharap nila sa unang araw ng paglilitis.
06:01Kasi ang understanding naman po natin, one witness, one trial date.
06:06Pero kung kaya na po namin makakapagsalang na dagdag para syempre ma-expedite din po yung proceedings,
06:11it is something that we will do.
06:12Pero sa pagko-convene ng impeachment court sa lunes,
06:15inaasahang una sa agenda,
06:17ang pagresolba kung magta talaga ito ng ibang presiding officer.
06:22Gayun din kung bubuksan ang kahong may tax records ng vice-presidente at kanyang mister.
06:28At kung papayagan ang private prosecutors na magtanong sa mga testigo.
06:32Namukhang wala na talagang hadlang yung pagsimula ng impeachment trial, trial sa lunes.
06:39Kailangan talaga ay pakinggan ang ebidensya, itapusin ang proseso, huwag hadlangan.
06:49Handang-handa na rin ang depensa sa paglilitis.
06:52We're ready to go to trial then and we are ready to go to trial now.
06:55Pero tayo naman sa defense, sandalang po tayo sa unang mga ebidensya na sinasabi nilang ilalatan nila.
07:00Ang posisyon naman ng depensa tukos sa pagbubukas ng BIR box.
07:05Sundin lang natin yung batas pagdating sa mga restrictions, sa disclosure.
07:09Wala po kaming tinatago at wala po kaming kinakatakutan sa box.
07:12Ang sa atin lang po ay pagsunod sa batas.
07:15Ako si Sandra Aguinaldo, ang inyong saksi.
07:22Ito na ang ikalawang pagkakataon na na-impeach si Vice President Sara Duterte
07:27at sa lunes magsisimula na ang paglilitis sa kanya.
07:29May dalawang bahagi ang proseso, ang initiation at ang try-out.
07:34Ang initiation ay nasa ilalim ng Kamara o House of Representatives.
07:38Dito po nangyayari ang pagsasampan ng reklamo na kailangan i-endorse ng isang kongresista.
07:43Ladaan po ito sa Committee on Justice na susuri kung ang reklamo ba ay sufficient informant substance,
07:49may sufficient grounds at kung may probable cause para ma-impeach ang inerereklamo opisyal.
07:55Kung oo ang sagot sa lahat ng iyan, gagawa po sila ng Committee Report at resolusyon na naglalatag ng Articles
08:01of Impeachment
08:02at ito ay ipapa-aproba sa plenaryo.
08:05Kapag one-third o higit pa ng lahat ng mga kongresista ang sumang-ayon sa Articles of Impeachment,
08:12itinuturing ng impeached ang opisyal.
08:14Pwede rin maghahain ang di bababa sa one-third ng mga kongresista ng verified complaint
08:19o resolusyon na siyang bubuo sa Articles of Impeachment.
08:23Oras na ma-impeach ang opisyal, itatransmit ng Articles of Impeachment sa Senado.
08:28At dito na po papasok ang ikalawang yugto, ang paglilitis.
08:32Magkokonbin ang Senado bilang impeachment court.
08:35At tatayong Senator Judges ang mga Senado.
08:38Pwede nga bang hindi personal na dumalo si Vice President Sara Duterte?
08:41Tinanong po namin si Atty. Paolo Tamase, Assistant Professor ng UP College of Law.
08:47Yes, pwede hindi dumalo si VP Sara.
08:50Hindi gaya ng kriminal na proseso sa korte,
08:53hindi essential yung presence ng akusado or yung respondente dito sa impeachment.
08:58Kung nanaisin ni VP Sara na magpakita mismo sa trial, pwede niyang gawin yun.
09:02Pwede din niyang piliin na tumestigo sa impeachment trial para sa kanyang sariling depensa.
09:08Bibigyan ng pagkakataon ng impeached official na maghain ng kanyang sagot sa Articles of Impeachment.
09:14At sa paglilitis, pakikinggan ng mga testigo at susuriin ang mga dokumentong ipipresenta na magkabilang panig.
09:20Tatapusin munang talakayin lahat ng Articles of Impeachment bago magpotohan ng mga Senator Judge
09:26kung guilty o not guilty ang impeached official.
09:28May deadline nga ba ang Senado para tapusin ang impeachment trial?
09:32Depende talaga siya sa bilis ng proseso,
09:36bilang na kung gaano katagal yung presentation ng ebidensya.
09:39Of course, yung isang natural potential na deadline dito ay
09:43yung pagtatapos ng terbino ni Vice President Duterte sa 2028.
09:48Pero medyo matagal pa yun at mayroon din kasing mga views na
09:51kahit matanggal na sa pwesto yung isang impeachable officer
09:55ay pwede pa rin magpatuloy sa paglilitis yung Senado
09:58upang pag-usapan yung disqualification issue.
10:01But other than that, wala kasing timeline na binibigay yung saligang batas natin.
10:06Pagkatapos ng paglilitis, baboto ang mga Senator Judge
10:09kung iko-convict o i-acquit ang opisyal.
10:12Two-thirds ng kabuang bilang ng mga Senador ang kailangan para ma-convict ang opisyal.
10:16At kahit sa isang Article of Impeachment lang guilty,
10:19convicted ang impeached official.
10:21Pero ang tanong ngayon, paano bibilangin ang two-thirds ng Senado
10:25na nakasaad sa konstitusyon?
10:27Sa ngayon kasi suspendido si Senator Jingoy Estrada
10:30dahil sa kinakaharap na kasong plunder at graft
10:32kagunay sa infrastructure projects ng DPWH.
10:36At tatago naman si Senator Ronald Bato de la Rosa
10:38na nakaharap sa warrant of arrest ng International Criminal Court.
10:42Ay, kay Atty. Tamase, may dalawang pananaw tungkol dito.
10:46Isa, pagbabatayan ang kabuang bilang ng mga Senador na 24.
10:4924. Ibig sabihin, labing-anim ang two-thirds.
10:53But mayroon ding emerging view ngayon na nilalabas ng ibang scholar at eksperto sa saligang batas
10:59na kung ganoon yung patakara natin, then baka naman umabot tayo sa punto na hindi na magagampanan ng Senado
11:06yung mga konstitusyonal niyang tungkulin dahil lamang marami siyang kasapi na either hindi makita sa Pilipinas
11:13o nakakulong dahil nag-aantay ng paglilitis sa mga graft cases.
11:19So, kung ganoon, ang kanilang pragmatic or practical na pagbabasa ng saligang batas ay
11:25ang two-thirds binibilang lamang siya doon sa mga kaya dumalo doon sa sesyon ng Senado.
11:30Ayon sa eksperto, pwedeng umakit sa Korte ang issue.
11:34Pwede magpasa ng resolusyon or rule ang Senado
11:37depende sa kanilang practices na ito yung ituturing nila na two-thirds.
11:41Hindi yun binding sa ating Korte Suprema
11:43pero mahalaga yung pagbabasa ng Senado sa sarili niyang mandato sa saligang batas
11:48dahil siya yung may kapangyarihan na mag-vitease nitong impeachment.
11:52Pwede din magkaroon ng desisyon yung Korte kung magkakaroon ng proper na case before it.
11:59Pero at this point, masyado pang maaga.
12:01Kapag na-convict, matatanggal sa pwestong opisyal.
12:04Sa ilalim ng 1987 Constitution, pwede rin siyang ma-disqualify sa paghawak sa anumang posisyon sa gobyerno.
12:11At kapag na-acquit naman, pwede siyang magpatuloy sa kanyang pwesto
12:14pero pwede ulit siyang masampahan na impeachment complaint matapos ng isang taon.
12:19Pinal na ang desisyon ng Sen. Judges.
12:22Ibig sabihin, hindi ito pwedeng i-appela at questionin kahit idulog pa sa Korte Suprema.
12:29Walang tinatawag na motion for reconsideration sa Senate Impeachment Court.
12:33Ay, Katrini Tamase, mahalagang bahagi ng demokrasya
12:36ang proseso ng impeachment para matiyak na sumusunod ang mga opisyal na gobyerno
12:40hindi lang sa batas kundi sa mandato ng taong bayan na naghalat sa kanila.
12:47Mahalaga yung impeachment at yung proseso na ito
12:50kasi isa itong pagkakataon upang yung mamamayan
12:53sa pamamagitan ng kanilang mga representante sa House at sa Senado
12:57ay mabigyan ng pagkakataon na tanong yan
13:03yung kanilang mga inihalal na matataas na opisyal
13:06kung dapat pa ba kayo pagkatiwalaan sa pwesto.
13:10Yung impeachment, ang pushback lagi ng mga scorer dito ay
13:13political yung proseso.
13:15Hindi ito accountability sa isang korte.
13:18Hindi din ito accountability sa isang graft case
13:21kasi hiwalay pa yung criminal na prosecution ng graft
13:24kung ma-convict nga yung isang opisyal.
13:26Pero accountability talaga ito sa mga mamamayan mismo
13:29lalo na sa Pilipinas.
13:39Bagong makasaysayang pagkapanalo
13:41ang naitala ni Pinay Tana Sensation Alex Ayala
13:44sa Wimbledon Championship sa England.
13:47Matapos pataubin ang Australia na si Maya Joint
13:49si Ayala ang unang Pilipinong umabot sa ikatlong round
13:53ng anumang Grand Slam event sa Open Era.
13:55At sa mainit na laban, unang nakuha ni Joint
13:58ang first set sa score na 3-6.
14:00Pero nakabawi si Ayala sa second set sa score na 6-2
14:04at tuluyan nang ibabaw sa third set
14:07kung saan hindi na nakapuntos pa si Joint.
14:10Binati naman ng tennis legend na si Venus Williams
14:13si Ayala na kamakailan lang ay naging partner niya
14:17sa isang doubles event.
14:18Susunod na makakatapat ni Ayala
14:20si six-time Grand Slam champion
14:22at reigning Wimbledon champion
14:24Igas Viatec ng Poland.
Comments

Recommended