00:01Magandang gabi po, Luzon, Visayas at Mindanao.
00:05Trahedya ang sinapit ng pagligo ng apat na kabataan
00:09sa Ilog Pasig habang umuulang...
00:12Ang isa sa kanila na edad siyam na taong gulang bigong maisalba
00:16at tuluyan ang nalunod.
00:18Labis ang pagdadalamhati ng pamilya ng biktima
00:20na huli na nang malaman ang nangyari sa anak.
00:24Nakatutok si EJ Gomez.
00:29Magkakasama ang ilang residente sa gilid ng Ilog Pasig
00:32sa bahagi ng barangay-barangka itaas Mandaluyong City
00:35hapon nitong lunes.
00:37Nakaabang sila sa rescue operations ng Philippine Coast Guard
00:40at Mandaluyong CD-RRMO Fire and Rescue
00:43sa isang batang lalaki na nalunod umano sa Ilog.
00:47Nagtulungan din ang ilang residente na hanapin ang nawawalang bata
00:51sa malalim na bahagi ng Ilog ayon sa barangay.
00:54Eksena nung Ilog na yon medyo maiti, maburak, mahina yung current o yung daloy.
01:01And mababaw sa una may mga bato
01:04pero pag mga siguro dalawang hakbang biglang lalim na siya hanggang dibdib na eh.
01:08Mahigit kalahating oras bago nakita ang siyam na taong gulang na lalaki.
01:21Nagtulungan silang buhati ng bata.
01:27Nagtulungan din na i-revive.
01:30Lumaban ka!
01:31Lumaban ka!
01:33Bloated na po yung chanya.
01:35Tapos yung bibig niya po medyo maputla na talaga.
01:38Wala na po siyang breathing.
01:40Wala na po ang pulse po.
01:41Yung CPR po ma'am, dire diretsyo po namin ginagawa
01:44agang makarating po sa Mandaluyong hospital.
01:47Dead on arrival sa ospital ang biktima.
01:51Tumangging humarap sa kamera ang mga magulang ng bata.
01:54Pero kwento nila, galing daw sa eskwelahan ang kanilang grade 3 pupil na anak
01:59at nagkayayaan sila ng kanyang mga kaibigan na maligo sa ulan at sa ilog.
02:04Nalaman na lang daw nilang nalulunod na ang kanilang anak
02:07nang tawagin sila ng ilang residente.
02:10Ayon sa barangay, maraming insidente ng pagkalunod ang naitatala sa lugar.
02:14Pinapayuhan nila ang mga residente na huwag nang maligo sa ilog
02:18lalo na ngayong tag-ulan.
02:21EJ Gomez, Nakatutok 24 Horas.
Comments