00:00Search and rescue teams ng Davao City Police Office naka-full alert.
00:05Ito ay para agad matugunan ang pangangailangan ng mga apektadong residente,
00:10bunsod ng pagbaha dulot ng Habagat at ng Bagyong Henry.
00:13Si J.C. Aliponga sa Sentro ng Balita.
00:18Dahil sa malakas na pagulan noong June 30,
00:22nadulot ng Habagat at pagpasok ng Tropical Depression Henry,
00:26nakaranas ng pagbaha ang ilang bahagi ng Davao City.
00:30Partikular ang Carmelite area sa bahada dahil sa tuloy-tuloy na pagulan.
00:36Pinasok din ang baha ang St. Mary of the Perpetual Rosary Parish
00:41sa mga larawan na inilabas ng parokya.
00:44Makikita na pumasok ang baha sa loob ng simbahan
00:47at naapektuhan ang ilang mga gamit.
00:51Naapektuhan din ang mga komunidad sa New San Isidro, Old San Isidro
00:56at bahagi ng St. Jude sa Barangay Buhangin Proper.
01:00Umabot hanggang bewang ang lalim ng baha.
01:03Sa kabila nito, wala namang naitalang na sugatan o nasawi dahil sa pagbaha.
01:10Patuloy naman na minomonitor ng mga otoridad ang mga naapektuhang lugar.
01:16Dahil sa banta ng pagbaha, nananatiling naka-full alert
01:20ang Davao City Police Office at ang kanilang search and rescue teams
01:25upang agad na makatugon sa anumang emergency sa lungsod
01:29sa panahon ng mga tag-ulan alinsunod sa emergency protocols ng Davao City.
01:36Patuloy din ang koordinasyon at pagtutulungan ng mga tauhan ng DCPO,
01:42mga emergency responders at ang Davao City Disaster Risk Reduction and Management Office
01:48upang matiyak ang mabilis na pag-responde.
01:52Standby lahat yung search and rescue personnel natin ready for deployment
01:57in case kung adunay mga kalamidad na maitabod rin sa itong siyudad.
02:06Pinaalalahanan din ng DCPO ang mga residente na nakatira sa mga bahaing lugar
02:12na unahin ang kanilang kaligtasan, manatiling alerto at sumunod sa preemptive evacuations
02:19kapag ito ay ipatupad ng lokal na pamahalaan.
02:24Itong mga residente na naadapit sa prone to flooding areas,
02:31mga prone siya sa plan na mo mo-cooperate in case of adunay mga instruction niya mo
02:39ng preemptive evacuation.
02:41Mula dito sa Davao City, J.C. Aliponga para sa bayan.
Comments