00:00Iginip ng kampo ni dating House Speaker Martin Romualdez na hindi suportado ng ebidensya
00:05ang pagdiin sa kanya sa kwestyonable umanong flood control projects.
00:09Sabi ng tagapagsalita ni Romualdez na si Atty. Elaine Atienza,
00:12mismo si dating DPWH Secretary Manuel Bonoan daw,
00:16ay hindi dinawit si Romualdez sa flood control issue,
00:20kahit may pagkakataon na siyang magsalita sa mga nakaraang hearing at investigasyon.
00:25Si Bonoan ay planong gawing state witness ng Ombudsman
00:28para sa binubuong kaso laban kay Romualdez.
00:31Kung si Romualdez daw ang mastermind sa kwestyonable umanong flood control projects,
00:36ibig sabihin ay kontrolado raw ng dating House Speaker ang buong proseso
00:40mula sa paghahanda ng budget, implementasyon ng mga proyekto, at paglalabas ng pondo.
00:46Pero hindi raw kayang utusan ng House Speaker ang DPWH Secretary
00:50na nagpaplano at nagpapatupad sa mga proyekto,
00:53maging ang DBM na nagahanda sa panukalang national budget
00:56at ang Senado na kasama sa mga nagbubusisi sa budget.
01:01Dapat daw panagutin ang mga nagkasala tungkol sa flood control issue.
01:04Pero hindi raw dapat gawing shortcut
01:06ang paggamit sa isang malaking pangalan gaya ng kay Romualdez
01:10para lang may maipakita sa publiko.
Comments