00:00Suspendido ang lisensya ng driver ng patok jeep matapos mahulog ang isa nitong pasahero sa Quezon City.
00:07Pinagpapaliwanag siya ng Land Transportation Office, pati ang may-ari o operator ng jeep.
00:12May unang balita si Von Aquino.
00:18Nagpagulong-gulong sa kalsada ang pasaherong yan matapos siyang mahulog sa sinasakyang jeep sa Aurora Boulevard, Quezon City.
00:25Sa dashcam video ng Road IPH Facebook page na inupload online ng Land Transportation Office o LTO, makikita ang pag
00:33-swerve ng jeep hanggang sa mahulog ang pasahero.
00:37Base sa paunang investigasyon, hindi umanohuminto ang driver para tulungan ang biktima.
00:42Initially po, ano yan? Reckless yan. Pero titignan din natin kung talaga may prankisa yan. Baka kulorom yung jeep na
00:48yan.
00:50Pangalawa, kung nakarehistro ba, so merong nakaschedule na hearing, mag-a-attend sila. Malalaman natin yan, makikita natin yan.
01:00Pinagpapaliwanag na ng LTO ang driver at ang rehistrado may-ari o operator ng jeep kaugnay sa insidente.
01:06Sinuspindi na rin ang 90 days ang lisensya ng driver at ipinaalarma na ang jeep.
01:11Wala pa umano silang informasyon kung anong nangyari sa pasahero.
01:14Pwede naman po mag-file ng kaso yung taong na nahulog. Pero sa amin po kasi, base dun sa ginawa
01:21niya, yun nga po, yung reckless, improper person to operate a vehicle, tapos yung iba pang mga kaso na pwede
01:28po namin makita.
01:29Kinausap na rin daw niya mga jeep ni operator kaugnay sa mga patok na jeep. Pero hindi umano nila mga
01:35miembro ito. Babala niya sa mga patok na jeep.
01:37Nagbibigyan ko sila ng panahon para ayusin nila yan. Pero hindi tayo habang panahon nahahayaan natin ang mga pinagagawa nila
01:45na nagdi-drip sa kalye,
01:47kung ano-anong ginagawa, tumatakbo sa mga checkpoints, sa LTO, walang lisensya, walang rehistro.
01:53Dahil talagang pag inoperate namin yan, eh uhulihin namin sila lahat.
01:58Ito ang unang balita. Von Aquino, GMA News.
02:02Ito ang unang balita.
Comments