00:00Tataas ng 85 pesos ang arawang sahod ng mga minimum wage earners sa Metro Manila.
00:07Pinakamataas na wage hike na yan e para sa mga nasa pribadong sektor,
00:11pero hahatiin sa dalawang bagsak.
00:13Kung kailan mabubuo ang wage hike, alamin sa pagtutok ni Mark Salazar.
00:21Sa Malabon Central Market, sa harap ng mga tinipong manggagawa,
00:25inanunsyo ni Labor Secretary Francis Tolentino ang magandang balita ng dagdag sahod.
00:31Itataas ang minimum wage sa Metro Manila ng 85 pesos kada araw.
00:36Makikinabang po ay 1.1 million daily wage earners.
00:43Pinataas po natin sa isang kaysayan, 85 pesos increase.
00:52Pinakamataas po yung 85 pesos bawat araw para sa mga gagawa sa pribadong sektor.
01:01Ang umento sa sahod ibibigay ng dalawang bagsak.
01:04Ang pagtaas po ay bibigay sa dalawang hulog, 60 pesos effective June-July 19, 2026,
01:15at 25 pesos sa Enero 2027.
01:22Kapag ganap ng naipatupan ang lahat ng hulog,
01:26ang daily minimum wage sa Metro Manila ay aafiyat mula 695 pesos,
01:34tungo sa 780 pesos per day para sa non-agricultural sector.
01:41Para naman sa agricultural sector,
01:44service and retail establishments na may empleyadong 15 o mas mababa,
01:50at manufacturing establishments sa Metro Manila na may empleyadong mas mababa sa 10 trabahador,
01:58ito ay tataas mula 658, tungo sa 743 pesos.
02:06Makasaysayan ng 85 peso wage hike,
02:08dahil ito ang pinakamataas na umentong ibinigay ng isang regional wage board,
02:13simula ng isa batas ang Wage Rationalization Act of 1989.
02:17Ang anunsyo ni Tolentino,
02:20kasabay ng pagdinig kanina sa Kamara para sa isang legislated wage increase.
02:25Dito, hiwalay na 200 pesos na umento ang pinakamababang halagang pinag-uusapan.
02:31At tila hindi masaya ang mga labor groups sa anunsyo ni Secretary Tolentino.
02:37Historic daw yung 85 pesos.
02:39Yun pala, hindi lang siya bariya-bariya
02:41dahil daan-daan na walang purchasing power sa ating mga manggagawa,
02:45kundi utay-utay pang ibibigay.
02:47Baka 60, 25. Yun po ay bariya-bariya.
02:50So itong 85 pesos ng regional wage board na hulugan,
02:54maliwanag na gagamitin ito ng employers group
02:58para sabihin na dapat wala ng legislated wage increase.
03:03Tinanong namin mismo ang mga manggagawa.
03:05Siguro sana sinagad na lang sila 100 na lang dagdag, sir.
03:08Sa minimum plus 100, sir, medyo mataas-taas na rin po yun.
03:12Hindi naman po yung ayaman, pero makakasupport.
03:15Kakaya sa pamilya.
03:17Para sa akin po, kulang pa rin po yun eh.
03:19Kasi tumas po yung kuryente.
03:21Tapos tubig namin ngayon, tumas din po.
03:23Kaya may isang nabibigla kami,
03:25bakit kakasya pa ba yung sahod namin na 695?
03:28Dapat nga po, kahit gawin ng 300 dyan eh.
03:30Parang pantawid-gutong pa rin po yun.
03:31Ang laking bagay na po yun, sir.
03:34Hindi naman po namin pipilitin yung government tatasa ng sahod.
03:39Siyempre, marami pa po pagdahanan yan eh.
03:41Kung ilan po yung ibibigay,
03:44alamdulila po, okay na po yun.
03:46Sapat na po yun.
03:48Ipinagutos na rin daw ng Pangulo sa lahat ng wage boards sa labas ng NCR
03:52na simula ng pag-aaral at sumunod na rin sa wage hike.
03:56Kinukuha namin ang panig ng mga negosyante at employers sa omento sa sahod.
04:01Mark Salazar. Nakatutok 24 oras.
Comments