00:00Update sa nawawalang hiker sa Mount Kalatungan sa Bukidnon.
00:04Itinigil na ang search and rescue operation kahit hindi pa siya nakikita.
00:08Base yan sa rekomendasyon ng Incident Management Team ng PDRMO Bukidnon at Pangantukan LGU
00:15matapos ang 11 araw na operasyon.
00:19June 12, nang ideklarang missing ang hiker na si Alkarj Zamayla
00:23na umakyat sa Mount Kalatungan noong June 11.
00:26Sa huling report ng pulisya, wala silang nakitang indikasyon sa bundok na nasa distressed situation ito.
00:33Sa kabila niyan, patuloy pa rin daw ang monitoring ng pulisya para matunto ng hiker.