00:10Transcription by CastingWords
00:32Wala nang atrasa ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa susunod na lunes, July 6.
00:39Sabi ni Senate President Sherwin Gatchalian, maglalabas sila ng pre-trial order kaugnay sa pre-trial conference.
00:46Magsasagawa sila ng dry run ng paglilitis at ng latag ng siguridad.
00:51Naghahanda rin siya sakaling siya ang maging presiding officer.
00:54Mga apat na articles at pinag-aaralan natin yung mga isunumite ng prosecution.
01:00Of course, pinag-aaralan rin natin yung procedures. Ilan araw ko na pinapanood rin yung corona trial noong 2012.
01:09Pero gaano kaya katagal nila inaasahan ang impeachment trial?
01:13Sa tansya namin, mga 7 to 8 months ang impeachment trial.
01:18So kung mag-uumpisa tayo ng July, baka next February na tayo matatapos.
01:24Ayon kay Gatchalian, sasagasa rin kasi sa trial ang pagtalakay sa 2027 national budget.
01:32Kokonsultahin nila ang prosecution at defense team kung paano mapaiikli ang trial.
01:37Kung meron pang mga, let's say, mga testigo na pwedeng gawin sa isang araw o may bisigyan na lang yung
01:43bilang ng testigo,
01:46hinihingi kami ng konsultasyon sa pagitan ng prosecution at ng defense.
01:52Sinusubukan pa ng GMA News na makuha ang panig ng defense sa kaugnay sa pahayag ni Gatchalian.
01:57Nauna nang sinabi ni Atty. Michael Powa na humiling sila ng at least 30 trial days.
02:02Pero naniniwala rin siyang masyadong maiksi ang tatlong buwan para sa paglilitis.
02:07Ayon sa House Prosecution Panel, maari pang mabawasan ang 62 days na hiniling nila sa impeachment court para makapagpresenta ng
02:15ebidensya.
02:16Kasi ito po binasi po namin sa number ng witnesses na meron po kami.
02:21Pero may pagkakataon po kasi na halimbawa isang araw, dalawa o tatlong testigo ang may ipipresenta namin.
02:28So mapabawasan din po yan.
02:30Pwede rin anyang mapaiklipa ang proseso kung i-we-waive nila ang pagpresent ng mga ebidensya sa iba pang articles
02:37of impeachment.
02:38Patuloy daw na naghahanda ang House Prosecutors anuman ang trial schedule na ilabas ng impeachment court.
02:44The House Prosecution Team will not only abide by the ruling of the court but will also be ready with
02:51the presentation of the evidence.
02:53That would commensurate the number of days, trial days, which the court will decide on.
02:58Paano rin kung sa kasagsagan ng paglilitis, dumalo si Sen. Gingoy Estrada na binubunong ngayon ang 90-day preventive suspension
03:06dahil sa kasong plunder at graft.
03:08At si Sen. Bato de la Rosa na hindi na nagpakita sa publiko mula nang umalis sa Senado noong May
03:1414 at hindi nakapanumpa sa pag-convene ng impeachment court noong May 18.
03:18Yung mga ganyan ay titignan na lang natin kung mangyayari yun o hindi.
03:23Von Aquino nagbabalita para sa GME News.
Comments