00:00.
00:14Biglang lumipat ng linya ang kotse ito sa Talisay City sa Cebu hanggang sa nabangga ng kotse, ang isang SUV.
00:23Ang nabanggang SUV, dumeretso sa iba pang sasakyan na nakahinto sa kalsada.
00:27Ang kotse bumangga naman sa isang truck.
00:31Ang suma-autoridad, imbis na preno, accelerator umano ang naapakan ng driver na isang senior citizen na PWD.
00:38Nagtamo ng galos ang mga driver ng kotse at SUV.
00:43Nagkaaleglo na rin ang mga sangkot sa insidente.
00:47Pawang lagpas magnitude 7 at pareho rin itinuturing na mabapaw ang kambal na lindol sa Venezuela
00:53at ang malakas na lindol na yumanig sa Mindanao nitong June 8.
00:5633 kilometers ang lalim ng epicenter ng lindol sa Mindanao noong June 8 na naitalapos sa dagat kanlura ng maasim
01:03sa rangani.
01:04Sa lupa naman ang epicenter ng kambal ng lindol sa Venezuela at mas mababaw pa.
01:08Halos 22 kilometers ang lalim mula sa lupa ng unang lindol na magnitude 7.2 at 10 kilometers naman ang
01:16ikalawang pagyanip na magnitude 7.5.
01:19Ang sa US Geological Survey, strike-slip faulting, malapit sa boundary ng Caribbean at South American plates, ang pinagmula ng
01:27mga lindol sa Venezuela.
01:28Ibig sabihin, horizontal o pahalang ang pagkiskisa ng lupa.
01:34As a FIVOX strike-slip movement, ang nagdulot ng magnitude 7.8 na lindol noong July 16, 1990.
01:41Sa Luzon, subduction sa Cotabato Trench naman ang pinagmula ng magnitude 7.8 na lindol noong June 8.
01:48Sa subduction, naguumpugan po ang mga tectonic plate o yung mga malalaking tipak ng lupa.
01:54Pumapailalim mga isa sa mga plate at ito ang nagdulot ng malalakas na pagyanip sa Venezuela kabilang sa napuruhan ang
02:01kanilang kabisera na Caracas.
02:03164 ang opisyal na death toll sa Venezuela pero sa datos na nakala ng opposition doon,
02:10nasa 10 lipo ang unaccounted for o yung po hindi pa matukoy kang nasaan.
02:15Batay po sa mga pag-aaral, kung sa Metro Manila mangyari ang kasinlakas na lindol,
02:20particular na sa West Valley Cove, 34,000 individual ang posibleng masawi.
02:26Maygit 100,000 ang posibleng masugatan at maygit 500,000 bahay ang posibleng mapinsala.
02:32Posible rin sundan yan ng malaking sunog na maaling kumitil ng nasa 18,000 pang buhay.
02:41Tinututukan ngayon ng Department of Social Welfare and Development
02:43ang pag-suporta sa mga bitiman ng lindol, particular ang mga batang nakaranas ng takot.
02:48Ang pahay na mga eksperto para sa mga nakaranas ng trauma dahil sa sakuna,
02:52sa pagsaksi ni James Samuels.
03:02Ngitong lunes lang kuha ang videong ito.
03:05Sa kalagitnaan ng aftershock ng magnitude 7.8 na lindol na yumanig sa Mindanao noong June 8,
03:11napalikas ang mga estudyante sa Silway 8 National High School sa Polomolok, South Cotabato.
03:17Hanggang pasado tanghali kanina, nakapagtala pa rin ng aftershock.
03:24Mahigit dalawang linggo, mula noong tumama ang isa sa pinakamalakas na lindol sa kasaysayan ng bansa,
03:30sa gitna ng mga aftershock, umabalik ang takot sa ilang estudyante.
03:35Lalo't tumama ang magnitude 7.8 na lindol kung kailan nasa flag ceremony ang maraming mag-aaral.
03:46Kaya ang DSWD tinututukan ang mental health at psychosocial support services para sa mga apektado ng lindol.
03:54Meron tayong mga child-friendly spaces inside evacuation centers.
03:59Nagkakaroon tayo ng mga play therapies o may mga additional interventions tayo,
04:06halimbawa yung mga learning interventions, merong mga videos na pinapalabas.
04:14So lahat sila ng mga kabataan nasa-serve dun po sa mga child-friendly spaces natin.
04:20Ayon sa isang child psychologist, sa mga simpleng aktividad tulad ng pagguhit, paglalaro at storytelling,
04:27unti-unting na ipapahayag ng mga bata ang kanilang takot at kaba matapos ang lindol.
04:32Sa pamamagitan ng child-friendly interventions, nabibigyan ang mga bata ng ligtas na espasyo upang mailabas ang kanilang emosyon at
04:41unti-unting makarecover.
04:42Listen, ibig sabihin pakinggan sila.
04:45May mga bata, hindi pa sila katulad natin na makwento o matatas na magpahayag ng kung ano yung nararamdaman nila,
04:54mga naiisip nila o sa loobin.
04:56So isa sa mga ginagawa talaga ay hinahayaan silang gumuhit, hinahayaan silang maglaro.
05:01Yan kasi lengguahe ng bata. So nakakatulong yun kasi kailangan din nilang mapakinggan sa paraan na angkop sa edad nila.
05:10Ayon sa mga eksperto, normal sa mga bata ang takot at pagbabago ng behavior sa una hanggang tatlong linggo matapos
05:17ang trauma.
05:18Yung makikita mong takot sila, balisa. Kaya biglang nagbago yung kanilang behavior, nagbago yung kanilang mood.
05:27Meron din ibang bata na parang ayaw nilang mawalay dun sa mga caregiver nila o parents nila. Normal yun.
05:34Pero kung ito ay tatagal ng mahigit isang buwan, pagkatapos ay mas lumalala, kailangan ng kumonsulta sa profesional.
05:42Kailangan din bantayan ang mga senyales ng seryosong distress.
05:46Kung meron na rin tayo nakikitang panganib, halimbawa yung bata sinasaktan yung kanyang sarili, nananakit siya ng ibang tao o
05:54kaya nagsasabi na siya na nawalan siya ng ganang mabuhay.
05:58Paalala ng mga eksperto, hindi lamang mga gusali at silid-aralan ang kailangan buuhin muli tuwing tumatama ang sakuna.
06:06Mahalaga rin ang suportang emosyonal at psychological na loo para sa mga bata.
06:11Ako si Jamie Santos, ang inyong saksi.
06:15Sinasa ilalim sa intensive intervention sa bahay pag-asa ang mga minorde edad na nakakagawa ng krimen.
06:22Posible po silang magtagal dito hanggat hindi nakikitaan ng pagsisisi.
06:26Saksi si JP Soriano.
06:32Kapwa minorde edad ang mga namaril sa isang high school sa Tacloban City, kaya pareho silang ilalagay sa bahay pag
06:39-asa facility.
06:40Pero ang labing limang taong gulang lang ang sasampahan ng reklamong kriminal.
06:44Ang labing apat na taong gulang na namaril, pananaguti sa pamamagitan ng intensive intervention.
06:50Alinsunod sa Juvenile Justice and Welfare Act o Republic Act 9344.
06:55Gagawin niyan sa IJIS-SC o Intensive Juvenile Intervention Support Center ng isang bahay pag-asa facility tulad ng isang
07:04ito sa Quezon City.
07:06Pero may ganito rin sa bawat riyon.
07:09Narito po tayo ngayon sa isang bahay pag-asa facility sa Quezon City at narito nga po ngayon ang mga
07:14minorde edad na nasangkot sa iba't ibang uri ng krimen.
07:17At bahagi po ng kanilang tinatawag na structured activity ay ang pagdalo sa mga klase gaya ng life skills lectures
07:23na nagaganap sa akin di ko rin na pinungunahan ng isang psychologist.
07:27Dito rin po kailangan sabay-sabay ang kanilang pag-ising, pag-tulog, pero din pong oras ng pagkain.
07:32At isa po sa mga pinakamahalaga ro po na kailangan nilang gawin ay ang individual counseling sa mga batang narito.
07:38Kapilang sa inabutan ko rito ang K-12 classes ng ilang children in conflict in law o mga batang may
07:45nalabag na batas na pareho sa itinuturo sa ibang paaralan.
07:49Di bababa sa isang taon ang itatagan ng mga inilalagay sa ganito at pwedeng magtagal pa hanggang hindi napapatunayan ng
07:56remorse o pagsisisi at pag-unawan ng minorde edad na mali ang kanyang ginawa.
08:02Mga social worker ang paunang mag-arekomenda niyan pero korte ang huling mag-aaproba.
08:07Kahit ilang taon ang abutin ay hindi palalabasin ang bata hanggang hindi ito nagbabago.
08:12Ang 15 taong gulang na namaril naman, sasalang sa assessment o pagsusuri kung meron ba siyang discernment o bastong pag
08:19-unawa sa krimeng kanyang nagawa.
08:21Kung meron kasi, lilitisin siya ng korte tulad ng ibang kriminal.
08:26So kailan masasabi na may discernment?
08:28Depende po dun sa magiging result kasi per tool mayroon po siyang specific assessment and mayroon pong computation po dun
08:39sa result ng tools.
08:41Isusumiti ang resulta sa korte pero ito pa rin ang mag-dedesisyon kung may discernment.
08:46Kung tingin ang korte ay wala, parehong intervention din lang ang pagdadaanan niya sa ibang minorde edad sa bahay pag
08:53-asa.
08:53Based on the law, ang treatment po natin sa kanya ay yung same as the treatment, those CICL below 15
09:02years old but above 12 years old na nakapag-commit ng serious crime.
09:07Okay, so mawawala yung criminal liability?
09:10Basically, yes.
09:12Pero kung tingin ang korte ay meron, iuutos itong dalhin siya sa isang Regional Rehabilitation Center for Youth o RRCY
09:20o kaparehong pasilidad na accredited ng LGU o DSWD.
09:25Doon siya mananatili habang nililitis sa korte kasabay ng intervention plan susuriin kung nagkaroon ng pagbabago ang batang sospek.
09:33Kung 21 years old na, ay aalamin muli kung nagbabago ba siya.
09:37If ever, wala talagang reformation on the part of the child, so it will be submitted, the progress will be
09:45submitted to the court and the court will decide on the case.
09:49Si Josh, hindi niya tunay na pangalan.
09:51Patunay na maaaring panagutin ang isang minorde edad para sa isang krimen.
09:56Dinilitis siya para sa kasong rape na ginawa niya noong 17 taong gulang lang siya.
10:0220 taong gulang na siya ngayon at may plano na kung sakaling irekomendang ibalik siya sa komunidad habang tuloy ang
10:09paglilitis.
10:11Inayagan siya ng bahay pag-asa na aming makausap.
10:14Plano po is papagpatuloy po yung pag-aaral.
10:18First year college na po, going to second year college na po.
10:21Si Justin naman convicted na para sa kasong murder na ginawa niya noong 17 taong gulang lang din siya.
10:28Dito muna siya mananatili habang suspendido ang kanyang sentensya.
10:32Pag edad 21 na ay saka malalaman kung i-reintegrate siya o pakisipihin ang sentensya.
10:39Batay sa rekomendasyon ng mga social worker at penal na desisyon ng korte.
10:44Pag pasok ko pa lang po dito, sinabi ko na po sa sarili ko na aayusin ko na yung buhay
10:50ko.
10:51Pagbabayaran ko, pag mimilayan ko, pagsisisiyan ko po lahat ng mga pagkakamali kong ginawa.
10:57JP Soriano, ang inyong saksi.
11:02Inirekomenda ni Interior Secretary John Becremulia na patawan ng kriminal na pananagutan ang mga may-ari ng baril kapag nagamit
11:08na iba ang kanilang baril sa krimen.
11:11Sa Leyte, na bisto ang banta umuno ng isang grade 10 student na magsagawa ng mass shooting.
11:16Saksi si June Veneracion.
11:21Ilang araw lang makaraan ng kauna-unahang mass shooting sa Eskwelahan sa Pilipinas na nangyari sa Tacloban City, Leyte.
11:29May nakakaadarmang impormasyon na nakarating kay Interior and Local Government Secretary John Becremulia.
11:34At 8 o'clock last night, Senator Bam Aquino called me up and gave me a tip that there was
11:42chatter in Tacloban that there was an impending mass shooting that was about to occur.
11:51Agad na rumisponde ang PNPC IDG at napag-alaman na ang banta ng karahasan ay nagmula sa social media post
11:59ng isang 14 ayos na babaeng grade 10 student sa Tulosa, Leyte.
12:02Ipinakalat niya ito sa pamamagitan ng paggawa ng multiple social media accounts.
12:07Nakasulat ang post sa local dialect.
12:10Pinost niya sa Facebook to.
12:12Hello, send this to your friends.
12:20Prepare yourselves, especially you, as you owe me.
12:25Get ready, I will disrupt the school.
12:28You won't know me, but you will recognize me.
12:31There's no time, no day.
12:33Be prepared for whoever gets shot or stabbed.
12:37We don't care.
12:38Good luck to you.
12:40Natunto ng bata.
12:41Lumalabas na problema sa pamilya.
12:43Ang maaring dahilan kaya nag-post na pagbabanta ang estudyante.
12:47Pero wala raw akses sa armas ang bata at ang kanyang pamilya.
12:51Nai-turnover siya sa Department of Social Welfare and Development.
12:54Pero nirelease din kalaunan.
12:56The threat appears to be neutralized and inactive.
13:00No evidence of an organized plan or involvement of others was found.
13:04Pero posibleng na-influensyahan daw ang batang babae ng dalawang minor na edad na namaril sa kanilang eskwelahan sa Tacloban
13:10City late noong lunes.
13:11Base sa investigasyon, may pagkahaling tulad ang mga batang na malil sa Tacloban City at ang 14 anyos na nagbanta
13:18ng karhasan sa social media.
13:20Pare-pareho raw naglalaro ng bayulenting online video game na Gorebox ang tatlong minor na edad.
13:27Ititutulak ni Rimulya na permanenteng iban ang Gorebox sa Pilipinas dahil sa masama nitong influensya.
13:33Tingin namin gusto gumawa ng copycat crime.
13:37Ayun ang delikado dito eh.
13:39Kasi nga nakikita sa video games na napakadaloy bumatay ng tao.
13:43Tingin nila, ay ginawa dun. Kayo ko rin to.
13:46Apelan ni Rimulya sa publiko.
13:48Huwag baliwalain ang anumang informasyon ng karhasan.
13:51Kapag may inalaman, mag-report daw agad sa 911.
13:55Kasunod ng nangyaring pamamaril sa Tacloban City, kung saan nagkaroon ng akses sa mga bata sa baril,
14:01ay nirarekomendan ni Rimulya sa mga mambabatas na patawan ng kriminal na pananagutan ng mga gun owner
14:07kapag nagamit ng iba ang kanilang baril sa krimen.
14:10Sa ngayon daw kasi, civil case lang ang pwedeng isampah.
14:13Yung mga nangyari yan, tragic as it may seem, can be preventable if we pass the right laws and amend
14:23the charter of the gun ownership.
14:27Ako si June Van Arasyon, ang inyong saksi.
14:42Plano iharap ng prosekusyon bilang testigo sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, si Mary Grace Piatos.
14:49Bantay po yan sa pre-trial brief documents na islamitin ang prosekusyon at nakuha ng GMA News.
14:54Ang pangalang Mary Grace Piatos ang nakapirma sa resibo para sa natanggap unong pera mula sa confidential funds.
15:01Pero nauna nang sinabi ng Philippine Statistics Authority na wala silang record na may ipinangnak na ganitong pangalan.
15:09Tumagi naman si Rep. Jervil Luizzo na kumpirmahin kung may kasamang ang Mary Grace Piatos sa listahan nila ng mga
15:15testigo.
15:17Kasama rin sa listahan si Sheriff Abe Andres na sinapak noon ni Duterte na magpatupad ng demolition order noon
15:23sa lungsod.
15:25Sa pre-trial brief documents, sinabing ihaharap daw nila si Andres para patunayang may tendency
15:31ang Vice Presidente na maging bayulente.
15:35Nag-high na panibagong cyber libel complaint si dating Senador Antonio Trillanes IV
15:40laban sa labinwalong dati umanong bodyguard ni ex-Congressman Zaldi Koch.
15:45Ay kay Trillanes, kasinulingan ang mga binanggit naman ito na hinatira nila ng mali-mali tang pera ang dating Senador.
15:51Tama rin sa reklamo si na dating Senat President Alan Peter Cayetano at Senador Rodante Marcoleta
15:57na nanguna sa pagbinig ng Cayetano Block, kagay ng flood control scam.
16:02Sa reklamong inihahin ni Trillanes, sinabi nitong malinaw umanong nakipagkuntsyabahan
16:06ang labing-walo kina Cayetano at Marcoleta.
16:10Sa pamamagitan ng mga leading question ng mga Senador,
16:13sinusubukan pa namin makuha ang panig ni na Cayetano Marcoleta at ng kampo ng mga dating bodyguard.
16:21Pero hindi pa po sila tumutubo.
16:30Makapingil hini nga ang hiking experience ng adrenaline junkie na si Micaela sa Mount Araya.
16:36Isa po sa nadaanan niya at ng kanyang kaibigan ay ang sikat na monkey trail.
16:41Kapit na kapit sila sa bawat lubid at puno na madaanan.
16:45Ayon kay Micaela, hindi lang ito physically challenging, masusubok din daw ang inyong mentalidad.
16:52Dagdag pahirap pa ang pagbuhos ng ulan, kaya dumulas ang trail sa Mount Araya.
16:58Hindi nila natapos ang trail, kaya plano daw nilang mag-revenge hike.
17:08Salamat po sa inyong pagsaksi.
17:11Ako po si Tia Arcangel.
17:12Ito ang GMA News.
17:13Walang kinikilingat.
17:15Walang pinaprotektahan.
17:17Noon at ngayon,
17:19servisyo.
17:19Totoo.
17:20Hagang bukas,
17:22sama-sama po tayong magiging
17:24Saksi!
Comments