00:00Tuloy-tuloy ang paghahatid ng tulong ng iba't ibang ahensya ng pamahalaan sa mga naapektuhan ng lindol sa Mindanao.
00:08Sa pamamagitan ng aerial support, naihatid ang mga ayuda sa mga liblib at mahirap marating na lugar sa Glan, Sarangani.
00:17Kasabay nito ang patuloy ding pagbibigay ng relief operations ng Regional Disaster Risk Reduction and Management Council.
00:24Samantala, karagdagang family food packs ang ipinasa sa Municipal Social Welfare and Development Office ng Glan upang masuportahan ang mahigit
00:358,000 pamilyang nananatili sa mga evacuation center.
00:39Malaki rin ang naitulong ng paggamit ng air assets ng Philippine Air Force at Philippine Coast Guard upang marating ang
00:47mga hiwalay o isolated na komunidad na naaapektuhan ng pagguho ng lupa.
00:53Layunin ng naturang operasyon na makapagbigay ng agarang suporta sa mga pamilyang nangangailangan habang nagpapatuloy ang rehabilitasyon at muling pagbangon
01:04ng mga komunidad sa rehiyon.
Comments