00:00Hindi sinanto ng isang magnanakaw ang Dumaguete Cathedral sa Negros Oriental.
00:07Ultimo kamay ng isang antigong imahen ng simbahan, tinangay.
00:12Nakatutok si Oscar Oida.
00:18Rinig pa ang ginaganap na misa sa kuang ito ng CCTV ng Dumaguete Cathedral sa Negros Oriental noong hapon ng
00:25Martes, June 2.
00:26Maya maya'y lalapit na ang isang babae sa imahen ng patron ng simbahan na si St. Catherine of Alexandria.
00:35Sinipat-sipat ang imahen at tila may kinalikot habang palingalinga.
00:41Maya maya hinawakan niya ang kamay ng imahen.
00:45Pero di pala pagdarasal ang balak ng babae kundi ang pagkuha sa kaliwang kamay ng santo
00:53na dali-dali niyang isinilid sa bag at saka umalis.
00:59Kamakailan lang madiskubri ng pamunuan ng simbahan nang mapansing wala na ang kamay ng imahen
01:05na nakaposisyon malapit sa pintuan ng simbahan.
01:09Nang tignan nila ang kuha ng CCTV sa naturang simbahan,
01:13doon lang nadiskubri ang ginawa ng babae.
01:16Patuloy pang pinagahanap ang suspect.
01:18Siguro ito ang makihaan para makihaan.
01:23Kaya tumutuha ang naandang na buha ng telegram at ito mga simbahan ko.
01:31Palaisipan pa rao sa simbahan kung bakit pinag-interesan ang kamay ng imahen.
01:36Bagamat antigo na rao ang imahen,
01:39hindi naman daw ito gawa sa ivory o iba pang mamahaling material.
01:43Kung pwede, kung mahimog yun, i-ulit na yan.
01:47Kaya di mong pwede sa mahimutan.
01:49Kaugnay nito, umapila naman ang simbahan sa babaeng kumuha ng kamay ng imahen
01:55na isoli na lang ito sa simbahan sa lalong madaling panahon.
01:59Oscar Oida, Nakatutok 24 Horas.
Comments