00:00Ipinatutupad na ng Department of Migrant Workers ang pagbibigay ng 200 US Dollars o 12,000 pesos na cash assistance
00:08sa overseas Filipino workers na apektado ng kaguluhan sa Middle East.
00:13Ayon kay DMW Secretary Hans Leo Kakdak, natanggap na ng kagawaran ang budget replenishment mula sa Department of Budget and
00:22Management na inaprubahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcus Jr.
00:26Sa ngayon umano ay umaabot na sa higit 4,500 na OFW sa Middle East ang nabigyan ng tulong.
00:34Kabilang na dito ang mga na-terminate, nabawasan ang working hours at maging mga nabawasan ang sahod dahil sa kaguluhan.
00:42Sinabi naman ni DMW Assistant Secretary June Rasul na mas pinasimple at pinabilis pa ang application process para mabilis na
00:52matanggap ng ating mga kababayan ang kanilang tulong.
00:56Sa katunayan, pinapayagan din anya dito ang self-declaration o sariling salaysay ng OFW kaugnay sa kanyang sitwasyon.
Comments