00:00Sa Lunes, February 23, magsisimula ang confirmation of charges hearing ni dating Pangulong Rodrigo Duterte
00:06sa International Criminal Court para sa Kasong Crimes Against Humanity.
00:11Ang ilang pamilya ng mga biktima ng extrajudicial killings pupunta rao sa dahig para personal na saksihan ng pagdinig.
00:18Si Duterte naman hindi dadalo sa pagdinig sa pamagitan ng videoconference ayon sa kanyang abogado.
00:23Mayunang balita si EJ Gomez.
00:27Sa February 23, magsisimula ang confirmation of charges ni dating Pangulong Rodrigo Duterte
00:34sa pre-trial chamber 1 ng International Criminal Court o ICC
00:37para ito sa kinakaharap niyang tatlong counts ng crimes against humanity for murder at attempted murder
00:43dahil sa madugong kampanya kontra-droga ng kanyang administrasyon.
00:48Sabi sa GMI Integrated News ng lead counsel ni Duterte na si Atty. Nicholas Kaufman,
00:52hindi dadalo ang dating Pangulo sa confirmation hearing sa pamamagitan ng videoconferencing.
00:58Pero nang tanungin kung personal na dadalo ang Pangulo o i-wave ba niya ang karapatan,
01:02tumanggi na si Kaufman na sagutin ito.
01:05Nakahanda namang pumunta sa dahig ang ilang kaanak na mga biktima ng extrajudicial killings
01:10para personal na saksihan ng confirmational charges.
01:13Kabilang dyan si Shira Escudero, ang kanyang kapatid na tagpo ang nakagapos ang mga paa at kamay
01:19at tagtad ng tama ng bala ang bangkay noong 2017 sa kasagsagan ng drug war.
01:24Gusto ko pong tumayo sa harap ni Duterte, ipakita sa kanya na totoo ako,
01:31totoo kaming mga pamilya at isa lang po ako sa mga pamilya na nawalan ng mahal sa buhay.
01:42Libo-libo po kami.
01:43Kasama niya ang iba pang kaanak na migrante kaya nasa Europa na.
01:47Marami parao sanang gusto rin pumunta kung hindi lang limitado ang pondo.
01:51Pero higit sa pera, hamon din ang natatanggap o manong banta sa kanilang siguridad.
01:56Sa kabila niyan, may mga nakalatag na silang aktibidad gaya ng pagmarcha patungong ICC
02:01sa unang araw ng confirmation of charges kasama ng ilang human rights groups sa dahig.
02:06May maikli rin silang programa bago pumasok ng ICC para panuori ng pagdinig.
02:12Sa ICC po, para sa amin, ito yung lugar kung saan kami naririnig at nakikita.
02:20Samantalang dito po sa Pilipinas, yung mga biktima katulad ni Ephraim.
02:27Na binabaligtad po sila, sinisisi pa kung bakit sila namatay.
02:32Ayon sa ICC Assistant to Council na si Atty. Cristina Conti,
02:35tatlong oras kada araw lang ang pagdinig bilang pagsasaalang-alang sa kalusugan ni Duterte.
02:40Kaya hindi tiya kung magpipresenta ng testigo ang ICC prosecutors
02:44kahit pinayagan na sila ng ICC pretrial chamber noong nakaraang taon.
02:49Kung meron, kabilang sa mahalagang testigo ang iharap ang mga insider witness.
02:53Dati nang napaulat na nagbigay na ng testimonya sa ICC si Edgar Matubato at Arturo Lascañas.
03:00Pareho silang nagpakilalang naging hitman ng Davao Death Squad.
03:04Kapwa nila itinuro si Duterte bilang nagutos umano na mga pagpatay.
03:09Most usually itong mga insider witness ay kabahagi ng plano,
03:14posibleng down the line, lower rank sila, mababa sa hierarchy,
03:19pero willing na mag-come forward ngayon.
03:22Kaya ito yung uri ng mga witnesses na pwede nating asahan sa ICC.
03:27Ito ang unang balita.
03:29EJ Gomez para sa GMA Integrated News.
Comments