00:00May mga nahuli na namang motorista dahil dumaan sa EDSA busway
00:04kahit paulit-ulit ng paalala na bawal doon ang mga pribadong sasakyan.
00:09Ang isang motorsiklo, nabisto pang tampered ang plate number.
00:14May una balita live si Bam Alegre.
00:17Bam!
00:21Again, good morning. Level up yung mga palusot at mga dahilan ng mga nahuli ngayong umaga dito sa EDSA busway operations sa Quezon City.
00:30Halimbawa, yung plate number na ito ng isang motorsiklo ay nahuli ng SAIC o Special Action and Intelligence Committee for Transportation
00:40na may tampering. Nilagyan ng itim na tape ang bahagi ng letrang C para magmukhang zero.
00:46Bawal na bawal ito ayon sa mga otoridad.
00:48Nahuli ang rider sa bahagi ng EDSA busway sa Santolan MRT Station sa Quezon City.
00:53Depensa niya, hindi raw niya alam na may ganoon ang kanyang plaka.
00:57Ano man ang dahilan, hindi lusot at may kakaharapin siyang tiket sa LTO.
01:02Para lang kasi ito sa mga pampublikong bus at mga life and death situation na mga nagmamadaling ambulansya ang EDSA busway.
01:09Kahit government vehicle na red plate, hindi rin pwede kung walang clearance mula sa DOTR.
01:14Kaya tinikitan din ang SUV na ito na may red plate.
01:18Hindi rin umubra ang paliwanag ng isa namang barangay employee na nadudumiraw kaya dumaan sa busway.
01:24So pakinggan natin yung pahayag ng mga nahuli ngayong umaga pati ang kinatawan din ng SAIC.
01:30Bawal po, opa. Another violation po yan. Para maiwasan po nila yung ANCAP.
01:38Sa akin to.
01:39Anong ginawa nung nanghiram daw sir?
01:42Hindi, hindi ginamit din sa trabaho. Pumasok, hindi ko kaya hindi ko alam yun.
01:47Baka less ng violation.
01:50Sir, ano eh, tawag lang ng kalikasan kaya pumasok na ako eh.
01:53Igan, yung babayarang multa rito ay depende sa dami ng demerits ng particular na tickets o case-to-case basis siya.
02:05Sa ngayon, running count tayo kasi patuloy yung operasyon.
02:08Mahigit sampu na rin yung nauhuli dito sa bahaging ito ng EDSA busway.
02:12Ito ang unang balita.
02:13Malari sa Kesa City Bamalegre para sa GMA Integrated News.
02:16Igan, mauna ka sa mga balita. Mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube para sa iba-ibang ulat sa ating bansa.
Comments