Skip to playerSkip to main content
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Kalunos-lunos ang sinapit ng dalawang batang nagpaputok sa Tondo, Maynila, kagabi.
00:05Namatay ang isa at nakaratay sa ospital ang isa pa.
00:08Hinala ng barangay na pulot ng dalawang bata ang mga sinindihang paputok.
00:12May unang balita si Bea Pinlak.
00:16Magkasamang naglakad ang dalawang batang ito papuntang A. Lorenzo Street sa Tondo, Maynila, kagabi.
00:21Ang isa sa kanila, may dalang hindi patukoy na uri ng paputok.
00:25Maya-maya, umupo sa tabi ng kalsada ang mga bata at sinindihan ang dalang paputok.
00:30Wala pang isang segundo, nakagigimbal na pagsabog ang yumanig sa lugar.
00:36Biglang may sumabog po. Sobrang lakas talaga eh. As in malakas.
00:40Then may lumapit po sa amin na isang residente na may nasabugan nga daw pong bata.
00:45Tumakbo ka agad kami papunta ron.
00:47Patay ang 12-anyos na lalaki.
00:49Habang sugatan at isinugod sa ospital ang kanyang 12-anyos na kalaro,
00:53na nakatakda raw operahan ayon sa ina ng bata.
00:57Eh sabi niya po, lalabas lang daw po. Sabi may bibilin daw po siya.
01:01Biglang, yun po, may narinig kami malakas na ano dun eh, sumabog.
01:06Tapos yun nga daw po yung anak ko.
01:08Sabi ng anak ko, wakan ko may kamay kumi.
01:11Kasi ang lamig po, nanginginig nga po siya dun.
01:14Sige, sabi ko, nak, dito lang ako. Hindi kita iiwan.
01:17Hindi ko kaya talaga na makita ng ganun anak ko siya.
01:21Ayon sa barangay, posibli raw na napulot lang ng mga bata ang paputok.
01:25Hindi pa rin po masabi kung anong klaseng paputok eh.
01:28Kakagabi daw, may nagpaputok daw po dyan.
01:30Dalawa raw po yun. Yung isa pumutok,
01:32din yung isang yun,
01:34hindi daw pumutok. Binasa.
01:36Hanggang sa napulot siguro ng mga bata po.
01:39Tapos pinaputok nila kanina.
01:41Ipinagbabawal sa barangay 223 ang pagpapaputok.
01:44Paalala nila sa mga residente,
01:46huwag nang gumamit nito dahil lubhang delikado.
01:48Talagang dati pa naman po talaga,
01:50pinagbabawal na po yan, ma'am.
01:52Ngayon kahit dito naman sa barangay namin,
01:55pag may nakikita kaming bata nagpaputok,
01:56kinukuha naman namin.
01:57Ngayon, binaban na po namin.
01:59Kahit sino mong nagtitinda, bawal po talaga.
02:02Patuloy pa ang investigasyon ng pulisya sa trahedya.
02:05Nauna nang nagbabala ang DTI sa publiko
02:07na huwag nang pulutin pa ang mga paputok na hindi pumutok.
02:11Base naman sa Executive Order No. 36 noong 2023 sa Maynila,
02:15hindi pwedeng magpaputok kung saan-saan lang.
02:18Pinapayagan ang paputok at pyrotechnic devices
02:20sa mga community fireworks display
02:22na may permiso mula sa lokal na pamahalaan.
02:25Ito ang unang balita.
02:27Bea Pinlak para sa GMA Integrated News.
02:29Igan, mauna ka sa mga balita.
02:32Mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube
02:35para sa iba-ibang ulat sa ating bansa.
Comments

Recommended