Skip to playerSkip to main content
May narekober na ebidensya sa hotel room na tinuluyan ni dating undersecretary Catalina Cabral kaugnay ng kanyang pagkamatay, ayon sa NBI. Sinusuri na rin nila ang selfie ng kanyang driver at ang viral dash cam kung saan nahagip siya habang nasa gilid ng bangin.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00May narecover na ebidensya sa hotel room na tinuluyan ni dating Undersecretary Catalina Cabral
00:06kaugnay ng kanyang pagkamatay ayon sa NBI.
00:09Sinusuri na rin nila ang selfie ng kanyang driver at ang viral dashcam
00:14kung saan nahagip siya habang nasa gilid ng bangin.
00:17Nakatutok live si Chino Gaston.
00:20Chino!
00:20Emil, patuloy pa ang sinasagawang investigasyon ng NBI sa pagkamatay ni DPWH Undersecretary Catalina Cabral
00:31matapos nga makakalap ng search warrant ng ahensya para mangalap ng ebidensya
00:36sa loob ng hotel room sa Baguio City kung saan huli itong nag-check-in.
00:40Sa paghahalughog ng NBI sa kwarto sa hotel na tinuluyan ni dating DPWH Undersecretary Catalina Cabral
00:52mga personal na gamit at ilang dokumento ang kanilang nakita.
00:56Ayaw pa sabihin ng NBI kung gaano katimbang ang ebidensyang kanilang nakalap
01:00pero may kaugnayan daw ito sa investigasyon tungkol sa kanyang pagkamatay.
01:04May ilang peras ng dokumento that are subject to verification
01:09pero sabi ko nga because we are at the discretion of the court now
01:13kung paano i-di-dispose yan, kung ano pong disposition dyan
01:17kaya naman po i-return muna natin ang search warrant
01:20and eventually after the return of the search warrant
01:23we will be able to learn from the court kung anong dapat gawin doon sa mga six items.
01:27Well, I could not say right now kung kasama yan o related dyan
01:32pero ang masasabi ko lang po, mayroong kahit pa paano is
01:35relations dun sa ating inibistigahan na kaso.
01:38We did not get any suicide note.
01:41Nauna ng sinabi ni Interior Secretary John Vic Remulia
01:43na batay sa investigasyon ay walang foul play sa pagkamatay ni Cabral.
01:48The pieces of evidence that were gathered shows that there is a suicide
01:52pero hindi pa, hindi pa natin masabi.
01:55Let the investigators makompleto yung kanyang investigation
02:00comparing every pieces of evidence, every statement and every footages.
02:09Kasama sa sinusuri ng NBI ang viral na selfie picture ng driver na si Ricardo Hernandez
02:15na nauna ng ginumpirma ni Remulia bilang authentic.
02:19Pati ang viral dashcam footage na nagpapakita anila kay Cabral na nakaupo sa concrete barrier
02:25sa Kennon Road malapit sa lugar kung saan natagpuan ang kanyang bangkay.
02:29It's very material in the sense that if it's a genuine footage
02:34tapos dun mismo sa location na yon nakita si Jose Cabral yung kanyang bangkay
02:40it would actually prove among others that she's really there.
02:43And apart from that, there will be a stronger support now to the statement of the driver, Rick Hernandez
02:50na talagang nandoon siya at iniwan siya doon.
02:52Nice ding masuri ng NBI ang natagpo ang cellphone sa loob ng kotse ni Cabral
02:56pero kailangan daw ng hiwalay ng waran mula sa korte para masuri.
03:01Posibleng isailalim din sa polygraph test ng NBI investigators ang driver
03:05sakaling hindi sila kumbinsido sa mga pahayag nito.
03:08Nag-issue ng Sampinadus Estekov ang ombudsman at inuutusan ng DPWH
03:14para isumiti ang lahat ng computer at electronic devices na inisyo kay Cabral.
03:19Isa sa ilalim daw ang mga ito sa forensic examination
03:22para malaman kung may mga data na binago, binura o pinakialaman
03:27mula ng pumutok ang isyo ukol sa mga manumalyang flood control project.
03:32Handa naman daw ibigay ng DPWH sa ombudsman ang mga hinihingi nito
03:37maging lahat ng dokumento, records at files na nasa opisina ni dating Undersecretary Cabral.
03:43Emil, lahat ng anggulo sa pagkamatay ni Yusek Cabral ay titignan ng NBI
03:52kasama na ang haka-haka ng ilan sa posibilidad na pinike lamang ang kanyang pagkamatay
03:58bagay na nangyari na raw sa ibang kaso pagamat kalaunay na huli rin ng NBI ang sospek.
04:04Emil.
04:05Maraming salamat, Chino Gaston.
Comments

Recommended