00:00Inihain sa camera ang panokalang baan sa anumang sagabal sa mga pampublikong bangket at kalsada sa mga urban areas o matataong lugar.
00:08Kabilang dyan ang mga istruktura pati mga iligal na nakaparada at terminal.
00:12Nakatutok si Oscar Oida.
00:17Maagang nagkaubusan ng tow truck kanina sa pagpapatuloy ng bantay-sagabal operations ng MMDA Special Operations Group Strike Force sa Quezon City.
00:26Sa Maysamar at Esguerra Street pa lang kasi, madaming illegally parked na sasakyan na ang inabutan.
00:33Hindi naman po bago ito. Araw-araw po tayo nag-operate para maalis po ang mga hamba lang sa ating mga kalsada.
00:39And mas lumalawak po ang ating operasyon dahil nandito po nakikipagtulungan po ang mga local traffic enforcement.
00:46Pagsapit ng San Juan, particular sa may barangay Little Baguio, mas marami pang illegally parked na sasakyan ang inabutan.
00:53Buti na lang at naka-restbuck na ang mga karagdagang tow truck.
00:58Wala rin kawala ang iba pang mga sagabal sa bangketa tulad ng mga tanim.
01:04Katulong naman sa operasyon ang mga local traffic enforcers ng lungsod.
01:10Sa araw-araw na lang, mga kaparehang paglabag ang na-encounter ng mga tauan ng MMDA.
01:16Kaya sa kamera, inihain ni Congresswoman Bernadette Barbers ang House Bill No. 933 o Sidewalks and Public Roads Use Act.
01:26Layon itong linisin at i-regulate ang paggamit ng mga bangketa at pampublikong kalsada sa lahat ng urban areas.
01:34Sa panukala, ipinagbabawal ang paglalagay ng istruktura, tindahan, basura o anumang sagabal sa bangketa.
01:43Pati na rin ang paggamit ng kalsada bilang paradahan, terminal o negosyo ng walang kaukulang permit mula sa LGU.
01:52Kung maaaprubahan, maaaring maparosahan ang mga lalabag ng multa mula 1,000 hanggang 10,000 pesos.
02:00Target ng panukala na mapabilis ang daloy ng trapiko, masiguro ang kaligtasan ng mga naglalakad at makatulong sa pag-unlad ng ekonomiya.
02:10Ikinatuwa ito ng MMDA.
02:12Definitely, malaking tulong po ito dahil ito po ay magbibigay ng emphasis and also it will give a stern regulation when it comes to the usage ng ating mga sidewalk or mga bangketa.
02:25Mas magiging malawak at mas matibay po itong mga operasyon na ginagawa po natin.
02:30Para sa GMA Integrated News, Oscar Oida na Katutok, 24 Oras.
Comments