00:00Pabugso-bugsong ulan ang naranasan sa ilang bahagi po ng Metro Manila kaninang madaling araw.
00:16Ramdam yan sa ilang kalsada sa Marikina.
00:19Matumal tuloy ang biyahe kanina ng ilang jeepney, pati na rin po yung benta ng ilang nagtitinda.
00:25Inulan din ang Quezon City gaya po sa ILP Road na may ilang mamimili at commuter na sumuong na sa malakas na ulan.
00:36Sa Lawag, Ilocos Norte, ramdam din po ang malakas na ulan sa ilang lugar.
00:41Sa Tuba, Benguet naman, may paguho ng mga bato malapit po sa kalsada.
00:48Isang linya ng kalsada po lamang ang pupwedeng madaanan ng mga motorista.
00:53Magsasagawa na ng cleaning operation sa lugar.
00:56Sa Kapangan naman, may naitalaring rock slide.
01:00Inabisuhan na po yung mga motorista na dumaan muna sa ibang ruta.
01:04Ayon sa pag-asa, ang mga nararanasang pagulan ay dala ng hanging habagat.
Comments